Ito ay pangkat ng tao na kung saan ang mga taong bumubuo
nito ay nagkakatulad at iisa sa iba’t ibang aspeto tulad ng kultura, tradisyon
at paniniwala. Kinikilala ang pamilya bilang pundasyon nito at nagsisilbing simula
ng pagkamulat ng bawat mamamayang nagbibigay at tumatanggap ng benepisyo rito.
Binubuo ito ng iba’t ibang sector; edukasyon, hustisya, pangkapayapaan at
kalinisan, pamahalaan, simbahan at iba pa na kung saan ang bawat sektor ay may
ginagawang mabigat at importanteng responsabilidad para sa kabutihang panlahat
na hahango sa pangkalahatang ayos at estado nito.
Ito ay samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t-isa
sa pamamagitan ng isang pinagkasunduang sistema at pamamaraan. Ito ay nabubuo
sa sandaling magkaisa ang mga tao ng gumawa ng mga bagay para sa kanilang
kabutihan at kaunlaran.
Ang kahalagahan ng lipunan ay natatamo ng bawat isa ang
kanyan kaganapan bilang tao. Ito rin ang nagtatakdang gampanin ng isang tao.
Ang lipunan ay may maraming mabuti at mayroon ding masama syempreng dulot o naibibigay saating mga mamamayan maging mismo ang mga sektor nito. Ang mga sumusunod ay mga bagay na bigay satin nito ukol sa isang tiyak na aspeto:
- Gobyerno -kailangan ng matalino at responsableng mamumuno ng ating lipunan. Sila ang dahilan kung bakit mas umuunlad ang lipunan at mas matiwasay tingnan.
- Edukasyon -nagbibigay ang sangay ng lipunan sa aspetong ito ng libreng edukasyon para sa mga mahihirap -nagbibigay ng makabagong kaalaman sa kabataan na magiging pundasyon ng lipunan
- Social media - nagiging boses ng mga mamamayan tungkol sa isang isyu. At para mas maipahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga opinion at para malinawan sila sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa.
- Kalusugan-mahalagang mapanatiling malusog ang mga mamamayan sa isang lipunan. Para mas maging epektibo at produktibo gumawa at mag trabaho.
- Hustisya at Katarungan
-ang katotohana pa rin ang nangingibabaw at nagwawagi sa lahat. Sa pamamagitan nito, ang sino mang lumabag sa batas ay mapapatawan ng parusa.
- kapag ang lipunan ay mayroong hustisya at katarungan masasabi na ang bansa ay isang hakbang na palapit sa tinatawag nating “world peace”. Isa lamang sa ma namamahala para mapanatili ito ay an gating mga magigiting sa pulis at mga sundalo, kahit mismong ordinaryong mamamayan nga ay maari na din makatulong.
- Simbahan- ang relihiyon ay isa ding mahalagang sektor sa lipunan. Isa ito sa mga tumutulong humubog sa ugali at mga dapat sanayin hanggang sa iyong pagtanda. Ang pagiging malapit sa Diyos halimbawa nalang, dahil dito nagkakaroon ng pag-asa ang mga tao na mabuhay at gawin mas maganda ang paligid kinabukasan pagkagising.